Ayon sa blue paper na inilabas kahapon, Oktubre 24, 2024 sa International Summit on BeiDou Navigation Satellite System (BDS), ang serbisyo at mga produkto ng BDS ay ipinagkaloob sa mahigit 130 bansa.
Ayon pa sa paper na ito, magkakasunod na isinapubliko nitong ilang taong nakalipas ang mga pandaigdigang istandard para pasulungin ang paggamit ng BDS sa mga larangang gaya ng abiyasyong sibil, search and rescue satellite, suliraning pandagat, at mobile communication.
Ang summit na ito ay idinaos sa lunsod Zhuzhou ng lalawigang Hunan ng Tsina.
Inilabas din sa summit na ito ang mga kaso hinggil sa paggamit ng BDS sa mga larangang gaya ng intelligent management ng mga kotse, pangkagipitang paglaban sa mga kalamidad, komprehensibong pangangasiwa sa yamang likas, agrikultura, at smart city.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
Huling pares ng backup satellite para sa BeiDou-3 system, inilunsad ng Tsina
White paper hinggil sa BeiDou Navigation Satellite System, inisyu ng Tsina
Pag-upgrade sa BeiDou Navigation Satellite System, isinasagawa
BDS, malawakang ginagamit sa mahigit kalahati ng lahat ng bansa’t rehiyon sa buong daigdig