MOFA: Sinusuportahan ang UN sa pagganap ng pangunahing papel sa mga suliraning pandaigdig

2024-10-25 15:37:34  CMG
Share with:

Ipinahayag, Oktubre 24, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at buong tatag na ipinagtatanggol ng Tsina ang mga layon at prinsipyo ng Karta ng United Nations (UN) at sinusuportahan ang UN sa pagganap nito ng pangunahing papel sa mga suliraning pandaigdig.

 

Dagdag niya, habang nagiging mas kumplikado ang sitwasyong pandaigdig, mas kinakailangang pahigpitin ang pangangalaga sa awtoridad ng UN.

 

Ang Oktubre 24, 2024 ay ang ika-79 na anibersaryo ng pagkakatatag ng UN at ipinaabot ni Lin ang pagbati ng Tsina sa okasyong ito.

 

Patuloy na pangangalagaan ng Tsina ang pandaigdigang sistema kung saan ang UN ang ubod nito at ang pandaigdigang kaayusan batay sa internasyonal na batas, at itataguyod ang pag-unlad ng pandaigdigang sistema ng pamamahala sa mas patas at makatwirang direksyon, dagdag ni Lin.

 

Salin: Zheng Yujia


Pulido: Ramil