Mas aktibo’t epektibong UN, suportado ng Tsina

2024-10-08 13:18:36  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 7, 2024 ni Fu Cong, Permanenteng Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), na ang Tsina ay matatag na tagapagtaguyod ng multilateralismo at tagapagtanggol ng papel ng UN.

 

Handa aniyang makipagtulungan ang Tsina sa lahat ng partido para maging mas aktibo ang UN, at maisulong ang transpormasyon ng mga politikal na obligasyon sa Future Compact sa mga kongkretong aksyon, at magkakasamang itayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Sama-samang nananawagan ang mga tao para sa isang mas pantay, ligtas, masagana, at sustenableng mundo, at inaasahan nilang gaganap ng mahalagang papel ang UN sa bagay na ito, ani Fu.

 

Ang Future Summit na ginanap aniya kamakailan ay nagpatibay ng Future Compact, na siya namang naghayag ng malinaw na pulitikal na mensahe sa pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon tungo sa pagpapabuti ng pandaigdigang pamamahala, at nagturo ng direksyon ng pagsisikap para tugunan ang mga pandaigdigang hamon.

 

Dapat panatilihin ng iba’t-ibang bansa ang positibong tunguhin ng Future Summit, isulong ang pagpapatupad ng mga resulta nang may higit na determinasyon at tapang, at magtulungan para sa komong kinabukasan, dagdag niya.


Salin: Yan Shasha

Pulido: Rhio