Mariing kawalang-kasiyahan at representasyon, iniharap ng Tsina sa restriksyon ng Amerika sa pamumuhunan sa Tsina

2024-10-29 16:39:55  CMG
Share with:

Kaugnay ng pinal na kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano hinggil sa restriksyon sa pamumuhunan ng mga indibiduwal at kompanyang Amerikano sa sulong na teknolohiya ng Tsina na kinabibilangan ng semiconductor at artificial intelligence (AI), inihayag Martes, Oktubre 29, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito ng panig Tsino.

 

Iniharap aniya ng Tsina ang representasyon sa panig Amerikano, at isasagawa ang lahat ng kinakailangang hakbangin, upang pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at interes nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil