Delegasyon ng board ng U.S.-China Business Council, magkahiwalay na kinatagpo ng ministrong panlabas at pangalawang premyer ng Tsina

2024-07-23 14:45:40  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nakipagtagpo, Hulyo 22, 2024 sa Beijing sina Ministrong Panlabas Wang Yi at Pangalawang Premyer He Lifeng ng Tsina sa delegasyon ng board ng U.S.-China Business Council (USCBC).

 


Inihayag ni Wang Yi ang pag-asang ilalahad ng USCBC at mga kasaping kumpanya ang tunay na kalagayan ng Tsina sa lahat ng mga aspekto sa pamahalaan, kongreso at iba’t ibang sirkulo ng Amerika, ipapadala ang obdyektibo, positibo at makatwirang tinig, at pasusulungin ang pagkakaroon ng tumpak na kaalaman ng Tsina sa loob ng Amerika.

 


Umaasa rin si He Lifeng na lubos na gagampanan ng USCBC ang sariling impluwensiya, at pasusulungin ang aktibong pagsali ng mga kompanyang Amerikano sa proseso ng ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina at modernisasyong Tsino, upang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at isakatuparan ang win-win na pag-unlad.

 

Inihayag naman ng mga miyembro ng delegasyon ang mainitang pagtanggap sa mahalagang senyal ng ibayo pang komprehensibong pagpapalalim ng reporma na ipinadala sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Anila, may kompiyansa ang sirkulong komersyal ng Amerika sa patuloy na pagpapalawak ng merkadong Tsino, at inaasahang palalalimin ang kooperasyon ng kapuwa panig sa maraming larangan.

 

Nakahanda ang USCBC na patuloy na gampanan ang positibong papel, upang gawin ang mas malaking ambag sa pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Amerika at Tsina, dagdag nila.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil