Pangulong Tsino at Zambiano, nagpalitan ng mensahe kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng relasyon ng dalawang bansa

2024-10-30 15:04:29  CMG
Share with:

Nagpalitan ng mensaheng pambati, Oktubre 29, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Hakainde Hichilema ng Zambia bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.

 

Ani Xi, malaki ang kanyang pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyong Sino-Zambiano, at kasama ni Pangulong Hichilema, handa siyang samantalahin ang pagkakataon ng nasabing anibersaryo upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, palakasin ang suporta sa isa’t-isa, at pasulungin ang komprehensibong kooperasyon.

 

Sinabi naman ni Hichilema, na ang ika-60 anibersaryo ng relasyon ng Zambia at Tsina ay isang mahalagang muhon sa relasyon ng dalawang bansa. Patuloy aniyang susuportahan ng Zambia ang mga pangunahing inisyatiba ng Tsina tulad ng Belt and Road Initiative.

 

“Handa akong makipagtulungan kay Pangulong Xi upang isulong ang higit na pag-unlad ng pagkakaibigan sa lahat ng panahon, at komprehensibong estratehikong pagtutulungan ng Zambia at Tsina,” dagdag niya.


Salin: Zheng Yujia

Pulido: Rhio