Kooperasyong Sino-Finnish, handang palakasin ng Tsina – Xi Jinping

2024-10-30 12:07:34  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap Martes, Oktubre 29, 2024 sa Beijing kay dumadalaw na Pangulong Alexander Stubb ng Finland, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na winewelkam niya ang aktibong pagsali ng panig Finn sa proseso ng modernisasyong Tsino, at pagpapalawak ng kooperasyon sa mga bagong sibol na industriyang gaya ng berdeng transpormasyon, teknolohiya ng impormasyon, didyital na ekonomiya, artipisyal na intelehensiya, bagong enerhiya at iba pa.

 

Kasama ng panig Finn, nakahanda aniya ang panig Tsino na ibayo pang palawakin ang pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Kaugnay nito, ipinasiya aniya ng Tsina, na isagawa ang unilateral visa-free policy sa Finland.

 

Saad ni Xi, nakahanda ang bansa na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa panig Finn sa mga isyung gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima, pangangalaga sa biodibersidad, sustenableng pag-unlad ng mundo, pangangasiwa sa artipisyal na intelehensiya at iba pa, at kapit-bisig na pagtatanggol sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 


Inihayag naman ni Pangulong Stubb na mahigpit ang ugnayang ekonomiko ng Unyong Europeo (EU) at Tsina, at ang “decoupling” o isang “bagong Cold War” ay di-angkop sa kapakanan ng anumang panig.

 

Nakahanda aniya ang panig Finn na gampanan ang positibong papel sa pagpapasulong ng maalwang pag-unlad ng relasyong EU-Sino.

 

Malaliman ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider sa mga isyung gaya ng krisis ng Ukraine, sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at iba pa.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasama nilang sinaksihan ang paglagda ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon sa mga larangang gaya ng edukasyon, patubig, pangangalaga sa kapaligiran, circular economy at iba pa.

 

Inisyu rin ng kapuwa panig ang Joint Action Plan between China and Finland on Promoting the Future-oriented New-type Cooperative Partnership 2025-2029.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio