Sa pagtatagpo’t pag-tsa-tsaa, Oktubre 29, 2024 sa Beijing nina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Suzanne Innes-Stubb ng Finland, inihayag ng panig Tsino ang pag-asang mapapalakas ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng sining’t palakasan sa yelo’t niyebe, at patuloy na mapapabuti ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Hanga aniya siya sa aktibong paglahok ng unang ginang ng Finland sa mga aktibidad ng kalinangang pampubliko, at inilahad ang tagumpay ng Tsina sa pag-unlad ng kaukulang larangan.
Saad ni Peng, maaaring ibahagi ng Tsina at Finland ang mga kapaki-pakinabang na karanasan, at magkasamang pabutihin ang biyaya ng kani-kanilang mamamayan.
Mataas na papuri naman ang ibinigay ni Innes-Stubb sa pagsisikap ni Peng sa pagpapasulong sa pandaigdigang usapin ng kababaihan at bata nitong nakalipas na mahabang panahon.
Nakahanda aniya siyang ibayo pang pasulungin ang mapagkaibigang pagpapalitan ng dalawang bansa, at gawin ang ambag sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng Finland at Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio