Sa pulong, Oktubre 30, 2024 sa Beijing nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Elina Valtonen ng Finland, inihayag ng panig Tsino, na dapat ipatupad ng mga ministring panlabas ng Tsina at Finland ang mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng kapuwa bansa upang mapasulong ang relasyon ng dalawang panig sa bago’t mas mataas na antas.
Umaasa aniya ang Tsina, na gaganap ng positibong papel ang Finland upang himukin ang Unyong Europeo (EU) na maiwasan ang pagsasapulitika sa mga isyung pang-ekonomiya at pangkalakalan.
Inihayag naman ni Valtonen, na inaasam ng Finland ang malapit na pakikipagtulungan sa Tsina upang ipatupad ang mahalagang komong palagay na narating ng dmga lider ng kapuwa bansa.
Bilang miyembro ng EU, umaasa aniya ang Finland na patuloy na pauunlarin ang konstruktibong relasyong EU-Sino.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Rhio