Isiniwalat, Okture 29, 2024 ng Unyong Europeo (EU), na mula Oktubre 31, ipapataw ang limang taon na taripa ng kontra subsidiya sa mga de-kuryenteng sasakyang (EV) inaangkat mula sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag ng panig Tsino ang pagkondena, at nagsampa ito ng kaso sa ilalim ng balangkas ng World Trade Organization (WTO).
Ayon sa ulat, isinagawa ang nasabing imbestigasyon kahit walang kahilingan mula sa industriya ng kotse, at kulang sa mga basehan ang resulta ng imbestigasyon.
Ayon naman sa pagsasangunian ng Tsina at EU, walang intensyon ang mga opisiyal ng EU na magharap ng plano ng kalutasan, dahil sa presyur mula sa labas.
Masasabing ang imbestigasyon at kapasiyahan ng EU ay hindi makatuwiran at labag sa bukas, pantay at walang-diskriminasyong prinsipyo ng WTO.
Dagdag pa riyan, ang naturang kapasiyahan ay makakapinsala sa kapakanan ng mga mamimili ng EU dahil sa pagtaas ng presyo ng mga EV.
Ito rin ay hadlang sa normal na kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina at EU sa langangan ng EV, at magdudulot ng pagkabahala sa mga bahay-kalakal sa kapaligiran ng pamumuhunan at negosyo sa EU.
Sa katotohanan, nananatili ang diskusyon sa loob ng EU sa isyu ng pagpapataw ng taripa sa mga EV ng Tsina.
Ayon sa ilang pulitikong Europeo, ang nasabing kapasiyahan ay makakapinsala sa kakayahang kompetetibo ng EU at magpapalala sa hidwaang pangkalakalan.
Ipinahayag naman ng Unyong Europeo, na patuloy itong makikipagsanggunian sa Tsina hinggil sa presyo ng EV.
Kaugnay nito, ipinahayag ng panig Tsino na palagi nitong iginigiit ang paglutas sa mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Umaasa rin itong ipapakita ng EU ang matapat na atityud, at isasaalang-alang ang nukleong pagkahabala ng Tsina para marating ang kalutasan na katanggap-tanggap ng dalawang panig sa lalong madaling panahon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio