Inihayag, Oktubre 30, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kalagayan ng kawalan ng aplikasyon ng kaukulang sektor, buong tigas na isinagawa ng Unyong Europeo (EU) ang imbestigasyon sa mga de-kuryenteng sasakyan ng Tsina, at ipinataw ang mataas na taripa.
Sinabi niya na ang resulta ng kontra-subsidiyang imbestigasyon ng EU ay isang tipikal na pag-uugali ng proteksyonismong pangkalakalan, na makasisira sa kadena ng industriya at suplay sa pagitan ng Tsina at Europa.
Ito rin aniya ay makakapinsala sa interes ng mga mamimiling Europeo, at pandaigdigang pagsisikap sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Umaasa ani Lin ang Tsina, na patuloy na isusulong ng panig Europeo ang pakikipag-usap sa Tsina sa konstruktibong paraan, magpapakita ng sinseridad, at hahanap ng solusyon, upang maiwasan ang pagsiklab ng alitan sa kalakalan.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio