Ipinahayag Oktubre, 31, 2024, ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Tsina na gumagawa ng progreso, sa maayos na paraan, ang mga Tsino at Indianong tropang frontline para sa pagpapatupad ng mga kamakailang resolusyon sa mga isyung may kinalaman sa mga hangganang lugar .
Sinabi ni Zhang na naabot ng dalawang bansa ang mga resolusyon sa pamamagitan ng diplomatikong at militar na mga tsanel.
Nananawagan aniya ang Tsina sa panig Indiano na makipagtulungan para patuloy na ipatupad ang mga resolusyon at magkatuwang na pangalagaan ang kapayapaan at katahimikan sa mga hangganang lugar.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Ramil