Pangulo ng Tsina at UAE, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng dalawang bansa

2024-11-01 16:11:53  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Nobyembre 1, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan ng United Arab Emirates (UAE), ng mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong nakaraang 40 taon, nananatiling matatag at malusog ang bilateral na relasyon.


Ani Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at kasama ni Pangulong Mohamed, nakahanda siyang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas at bigyang-ambag ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon at daigdig.


Ipinahayag naman ni Mohamed na palagian at buong sikap na pasusulungin ng kanyang bansa ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at UAE.


Umaasa aniya siyang isasagawa ng dalawang bansa ang mas maraming kooperasyon sa iba’t ibang larangan.


Sa parehong araw, nagpadala rin sina Premyer Li Qiang ng Tsina at Mohammed bin Rashid Al Maktoum, Pangalawang Pangulo at Punong Ministro ng UAE, ng mensahe sa isa’t isa bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil