Inihayag Oktubre 31, 2024, ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MOFA) ng Tsina, na bilang kalapit na kapit-bahay, binibigyang-pansin ng panig Tsino ang pag-unlad ng situwasyon sa Korean Peninsula.
Aniya, palagiang naniniwala ang Tsina na ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, pagtataguyod ng pampulitikang paglutas sa mga isyu roon ay komong interes ng lahat ng panig, at umaasa na magsisikap ang lahat ng panig para sa layuning ito.
Ayon sa ulat, Oktubre 31 2024, ng Korean Central News Agency, sinabi ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulan ng Hilagang Korea, na sinubukang ilunsad nito, umaga, ang isang intercontinental ballistic missile.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Ramil