Mga proyekto ng Shanghai sa de-kalidad na pag-unlad ng CMG, isinapubliko

2024-11-04 16:54:25  CMG
Share with:


Isinapubliko Lunes, Nobyembre 4, 2024 sa lunsod Shanghai, gawing Silangan ng Tsina ang mga proyekto kaugnay ng de-kalidad na pag-unlad ng China Media Group (CMG).

 


Sa seremonya ng pagsasapubliko, magkasamang pinasinayaan nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Zhao Jiaming, Puno ng Publicity Department ng Shanghai, ang National Multi-lingual Movie & TV Translation & Production Base.

 


Maliban dito, inilunsad din sa seremonya ang isang serye ng aktibidad na pang-multi-media bilang paggunita sa Ika-130 anibersaryo ng kaarawan nina Mei Lanfang at Zhou Xinfang, mga dalubhasa ng Peking Opera.

 


Samantala, idaraos, Nobyembre 15, sa lunsod ang “Gabi ng Pinansya ng Shanghai” na itataguyod ng CCTV-2.

 

Dagdag pa riyan, isinapubliko rin sa aktibidad ang tema ng 2024 Innovation Conference na “Innovition Driven, New Quality Future.”

 

Sa ilalim ng magkasamang pagtangkilik ng CMG at pamahalaan ng Shanghai, nakatakdang idaos ang nasabing komperensya sa Shanghai sa Disyembre.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio / Frank