Susi sa paglutas ng problema sa Korean Peninsula, nasa kamay ng Amerika – kinatawang Tsino

2024-11-05 15:16:11  CMG
Share with:

Sa isang bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng nukleyar ng Hilagang Korea, ipinahayag, Nobyembre, 4, 2024 ni Fu Cong, Permanenteng Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang nukleo sa isyu ng Korean Peninsuka ay ang kontradiksyon sa pagitan ng Amerika at Hilagang Korea, at ang susi sa paglutas ng isyung ito ay nasa kamay ng Amerika.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano na itakwil ang mga maling gawain tulad ng pagbabanta at panggigipit, at isulong ang pagpapahupa ng tensyon sa peninsula para makalikha ng kondisyon sa mapayapang paglutas sa krisis sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Inulit ni Fu na ang isang mapayapa at matatag na Korean Peninsula ay angkop sa komong interes ng lahat ng panig at ito rin ang komong hangarin ng komunidad ng daigdig.


Saad niya na bilang isang malapit na kapitbahay at isang responsableng malaking bansa, patuloy na gaganap ng konstruktibong papel ang Tsina sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, at pagsasakatuparan ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa rehiyong Hilagang-Silangang Asya.


Salin: Yu Linrui

Pulido: Ramil/Lito