Premyer Tsino at punong ministro ng Uzbekistan, nagtagpo

2024-11-05 16:14:27  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Nobyembre 4, 2024 sa Shanghai kay Abdulla Aripov, Punong Ministro ng Uzbekistan na kalahok sa Ika-7 China International Import Expo (CIIE), inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat pag-ibayuhin ng magkabilang panig ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran, pasulungin ang paglawak at pagtaas ng kalidad ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan, palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura ng konektibidad, at galugarin ang nakatagong lakas ng kooperasyon sa mga bagong-sibol na industriyang gaya ng bagong enerhiya, didyital na ekonomiya, artipisyal na intelehensiya, cross-border e-commerce, 5G, berdeng yamang mineral at iba pa.

 

Kasama ng panig Uzbek, nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng kultura, edukasyon, turismo at pagbabawas sa karalitaan, at ibayo pang bigyang-ginhawa ang pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang bansa.

 


Saad naman ni Aripov, buong tatag na sinusunod ng panig Uzbek ang prinsipyong isang-Tsina, at sinusuportahan ang Belt and Road Initiative.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pagpapalitan sa iba’t ibang antas, tuluy-tuloy na palalawakin ang bilateral na kalakalan, at palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa pamumuhunan, enerhiya, industriya ng manupaktura, transportasyon, lohistika, konektibidad, pagpapalitang tao-sa-tao at iba pang larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Lito