MOFA: Tunguhin ng pagsunod sa prinsipyong isang-Tsina, hindi mahahadlangan

2024-11-05 14:55:53  CMG
Share with:

 

Ipinahayg, Nobyembre 4, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang tunguhin ng pagsunod sa prinsipyong isang-Tsina ay hindi mahahadlangan.

 

Sinabi niya na sa kasalukuyan, iilan lamang sa mga bansa sa mundo, kabilang ang Palau, ang nagpapanatili ng umano’y "relasyong diplomatiko" sa rehiyon ng Taiwan.

 

Saad niya na ang ganitong praktika ay hindi lamang lumalabag sa kanilang sariling kapakanan at sa resolusyon bilang 2758 ng Pangkalahatang Asambleya ng UN, kundi lumalapastangan sa soberanya ng Tsina. Dapat ito iwasto, dagdag niya.

 

Ani Mao, nakahanda ang Tsina na batay sa prinsipyong isang-Tsina, buksan ang bagong kabanata ng relasyon sa naturang mga bansa.


Salin: Yan Shasha

Pulido: Ramil/Lito