Bagong kalidad na produktibong puwersa’t bukas na pagbabahaginan, tampok sa 2024 CIIE at HIEF

2024-11-06 10:47:17  CMG
Share with:


Binuksan nitong Martes, Nobyembre 5, 2024 sa Shanghai, Tsina ang Ika-7 China International Import Expo (CIIE) na may temang “Bagong Panahon, Pinagbabahaginang Kinabukasan.” Tatagal ang ekspo hanggang Nobyembre 10. 


Bilang mahalagang bahagi ng taunang CIIE, binuksan nang araw ring iyon ang Hongqiao International Economic Forum (HIEF). Sa ilalim ng temang “Pagpapanatili ng Pagbubukas sa Mataas na Lebel, Pagpapasulong ng Inklusibo’t Panlahat na Kapakipakinabang Globalisasyong Pangkabuhayan,” binubuo ng HIEF ang 19 na sub-forum. 


Ang bagong kalidad na produktibong puwersa at bukas na pagbabahaginan o open sharing ay kapuwa itinatampok sa idinaraos na CIIE at HIEF. 


Kabilang sa paksa ng mga sub-forum ng HIEF ang “Tatlong Dekada ng World Trade Organization at Tsina: Kasaysayan at Pagbabago,” “Bagong Industriyalisasyong Pinapasulong ng Artificial Intelligence,” “Pagbabagong Pang-enerhiyang Pinapasulong ng Bagong Paraan ng Pagtitinggal ng Enerhiya.”


Sa taong ito, 16 na kompanyang Pilipino ang kalahok sa ika-7 CIIE. 


Ito ang ika-7 taong singkad ng paglahok ng Pilipinas sa CIIE. 


Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Ram

Larawan: Xinhua