Mahigit USD$73 bilyon, halaga ng tentatibong kasunduang nalagdaan sa Ika5-CIIE

2022-11-11 12:18:00  CMG
Share with:

Shanghai, Tsina – Matapos ang 6 na araw, ipininid Nobyembre 10, 2022 ang Ika-5 China International Import Expo (CIIE), na may USD$73.52 bilyong halaga ng tentatibong kasunduan sa produkto’t serbisyo na napirmahan.

 

Ang bilang na ito ay mas mataas ng 3.9% kumpara sa Ika-4 CIIE.

 

Maliban diyan, 438 bagong produkto, teknolohiya at serbisyo ang isinapubliko ng mahigit 2,800 kompanya mula sa 127 bansa’t rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio