CMG Komentaryo: CIIE, mahalagang plataporma ng Tsina at daigdig para sa pagbabahaginan ng pagkakataon sa pag-unlad

2024-11-06 13:29:48  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 5 hanggang 11, ang ika-7 China International Import Expo (CIIE) ay idinaraos sa Shanghai, Tsina na nilahukan ng 3496 na bahay-kalakal mula sa 129 na bansa at rehiyon.


Ito ay nagpapakitang puno ng kompiyansa ang mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa sa kabuhayan at pamilihan ng Tsina.


Sa pamamgitan ng 6 na taong pag-unlad, ang CIIE ngayon ay naging isang mahalagang plataporma ng Tsina at daigdig para sa pagbabahaginan ng pagkakataon sa pag-unlad.


Ayon sa datos, ang kabuuang halaga ng mga transaksyon na narating noong nagdaang ika-6 na CIIE ay lumampas sa $420 bilyong Dolyares at isinapubliko nito ang halos 2,500 bagong produkto, teknolohiya at serbisyo.


Ibig-sabihin, nakalikha ang CIIE ng malaking espasyo para sa pag-unlad ng mga transnasyonal na kompanya.


Kamakailan, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para pasiglahin ang paglaki ng kabuhayan at pangangailangang panloob.


Sa ika-7 CIIE, ipinahayag naman ng pamahalaang Tsino na ibayo pang palalawakin ang pagbubukas ng domestikong pamilihan at pasusulungin ang malayang kalakalan sa labas upang magdulot ng mas marami at magandang pagkakataon para sa mga transnasyonal na bahay-kalakal.


Sa kasalukuyan, mahinahon pa rin ang pagbangon ng pandaigdigang kabuhayan at palagiang isinusulong ng ilang kanluraning bansa ang decoupling at trade protectionism.


Kaya ang CIIE ay magkakaloob ng plataporma para sa konstruksyon ng bukas na kabuhayang pandaigdig at pagtitipon ng komong palagay ng iba’t ibang panig hinggil sa kooperasyon at win-win na sitwasyon.


Palagiang iginigiit ng Tsina ang pagbabahaginan ng pagkakataon ng pag-unlad sa daigdig kaya ang CIIE ay hindi lamang magiging plataporma para rito, kundi magiging isang mahalagalang hakbangin din para sa Tsina na isakatuparan ang nabanggit na pangako sa daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank