Isang mensahe ang ipinadala Huwebes, Nobyembre 6, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Maia Sandu ng Moldova, bilang pagbati sa kanyang muling tagumpay sa halalang pampanguluhan.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, nananatiling matatag ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at Moldova, at maalwang sumusulong ang kooperasyon ng Belt and Road.
Kasama ni Pangulong Sandu, nakahanda aniya siyang magpunyagi para sa matatag at pangmalayuang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Lito