Sa bisperas ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brazil, idinaos kamakailan sa Sao Paulo ng Brazil ang aktibidad ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng mga programa ng China Media (CMG) sa bansang ito.
Sa aktibidad na ito, ipinahayag via video link ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang taong 2024 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Brazil at iniharap nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Luiz Lula da Silva ng Brazil na dapat pagyamanin ang nilalamang relasyon ng dalawang bansa sa bagong starting point.
Kaya ang layon aniya ng aktibidad na ito ay pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa kultura at tao-sa-tao.
Ang pagsasahimpapawid ng naturang mga programa ng CMG sa Brazil ay tatagal hanggang Hunyo ng taong 2025.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Frank