Pangulong Tsino at Punong Ministro ng Malaysia, nagtagpo

2024-11-08 10:38:38  CMG
Share with:

Nagtagpo kahapon, Nobyembre 7, 2024 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia na nagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina.


Idiniin ni Xi na dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan ng estratehiya ng pag-unlad, palalimin ang komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pasulungin ang kooperasyon sa didiytal na ekonomiya, artificial intelligence at bagong enerhiya.


Ipinahayag niya ang pagtanggap sa pagpasok ng mga de-kalidad na produkto ng Malaysia sa pamilhang Tsino.


Saad pa ni Xi, dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang pagkokoordinahan at kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, magkasamang tutulan ang trade protectionism, pasulungin ang malayang kalakalan at pagpapadali ng pamumuhunan, at pangalagaan ang pandaigdigang katarungan at pagkakapantay-pantay, at komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.


Dagdag niya, kinakatigan ng panig Tsino ang mga gawain ng Malaysia bilang tumatayong tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2025, at nukleong katayuan at nagsasariling estratehiya ng ASEAN.


Ipinahayag naman ni Ibrahim na buong sikap at ibayo pang palalalimin ng Malaysia ang komprehensibo’t estratehikong partnership sa Tsina, at kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa teknolohiya ng impormasyon, didyital na ekonomiya at enerhiya.


Saad pa niyang iginigiit ng kanyang bansa ang nagsasariling estratehiya at kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang multilateral na kooperasyon para pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank