Bagong gabinete ni Shigeru Ishiba ng Hapon, itinatag

2024-11-12 15:18:12  CMG
Share with:

Itinatag, Nobyembre 11, 2024, ni Shigeru Ishiba, bagong Punong Ministro ng Hapon at Pangulo ng Liberal Democratic Party (LDP), ang bagong gabinete.

 

Sa umaga ng araw ring iyon, nagsagawa ng isang pulong ang gabinete ng gobyerno ng Hapon, kung saan sabay-sabay na nagbitiw sa tungkulin ang buong gabinete ni Isihiba na kakabuo pa lamang ng mahigit isang buwan.

 

Kinahapunan, sa pulong ng pagboto ng Diet o parliamento ng Hapon, muling nahalal si Ishiba bilang punong ministro, at agad siyang bumuo ng bagong gabinete.

 

Salin: Yu Linrui


Pulido: Ramil / Frank