80 kompanya’t institusyon, sama-samang lumagda para sa ika-8 CIIE

2024-11-07 14:45:41  CMG
Share with:

Walumpung (80) kompanya’t institusyon, ang sama-samang lumagda’t nagpahayag ng intension, Nobyembre 6, 2024, sa pagsali sa Ika-8 China International Import Expo (CIIE), sa susunod na taon.

 

Ipinakikita nito ang malakas na kompiyansa ng mga pandaigdigang negosyo sa nasabing perya.

 

Ayon kay Asistenteng Ministro Tang Wenhong ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC), bilang isang mahalagang plataporma ng pagbubukas sa labas ng Tsina, patuloy na gaganap ng mahalagang papel ang CIIE sa usaping ito.

 

Pahuhusayin aniya ng Tsina ang mga serbisyo sa eksibisyon at palalakasin ang pakikipagtulungan sa mga pandaigdigang organisasyon upang mapabuti at mapalawak ang saklaw ng CIIE sa mas mataas na antas at mas malawak na larangan.


Salin: Yu Linrui


Pulido: Rhio / Lito