Pambansang emerhensya, itinaas sa Costa Rica dahil sa malakas na pag-ulan

2024-11-14 10:52:25  CMG
Share with:

Dahil sa pagbaha, at pagguho ng lupa na dulot ng bagyo at pag-ulan nitong mga nakaraang araw, inihayag, Nobyembre 13, 2024 ng pamahalaan ng Costa Rica ang pagpapa-iral ng pambansang emerhensya mula Nobyembre 13.

 

Ayon sa National Emergency Committee ng Costa Rica, idinulot ng walang tigil na pag-ulan ang higit 200 baha sa bansa, na nag-iwan ng hindi bababa sa 2 kataong patay at 4 na iba pang nawawala.

 

Maraming mga pangunahing lansangan ang sarado, dagdag pa nito.

 

Sinabi naman ng National Meteorological Service ng bansa, na magpapatuloy ang pag-ulan sa mga susunod pang araw.


Salin: Zheng Yujia

Pulido: Rhio/Lito