Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Hebei sa hilagang Tsina, Nobyembre 13, 2024, hinimok ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang mga opisyal ng lalawigan na gawin ang makabagong progreso sa pagpapasulong sa koordinadong pag-unlad ng rehiyong Beijing-Tianjin-Hebei.
Ipinagdiinan ni Li ang kahalagahan ng pagpapasulong sa pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon, pagpapabilis ng komprehensibo’t berdeng transisyon, at pagsuporta sa mataas na pamantayan at de-kalidad na konstruksyon ng Xiong’an New Area.
Habang bumibisita naman sa isang kompanya ng semikonduktor sa lunsod Baoding, pinakinggan ni Li ang ulat hinggil sa progreso ng kompanya sa inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya.
Ininspeksyon din niya ang pinakahuling progreso ng isang itinatayong dike sa lunsod Zhuozhou.
Inalam din niya rito ang mga pangunahing proyektong patubig pagkatapos ng kalamidad sa Hebei.
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Lito