Kunming, lalawigang Yunnan ng Tsina - Habang dumadalo Huwebes, Nobyembre 7, 2024 sa Ika-8 Greater Mekong Subregion (GMS) Summit, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na nitong nakalipas na mahigit 30 taon sapul nang maitatag ang mekanismo ng kooperasyong pangkabuhayan ng GMS, unti-unting nagsilbi itong mahalagang plataporma para sa pagkakaroon ng Tsina at mga bansang Mekong ng kooperasyon at komong kaunlaran.
Aniya, sa kasalukuyan, maligalig at pabagu-bago ang kalagayang pandaigdig, kaya kailangang mas mahigpit na magbuklud-buklod ang Tsina at mga bansang Mekong, para gawin ang positibong ambag sa kapayapaan, katahimikan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon, maging ng buong mundo.
Kaugnay ng pagpapalalim ng kooperasyong panrehiyon, iminungkahi ni Li na igiit ang pagbubukas at pagtutulungan, itampok ang kaunlarang itinataguyod ng inobasyon, palalimin ang konektibidad, pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, at ipatupad ang tunay na multilateralismo.
Hinangaan naman ng mga kalahok na lider ng ibang mga bansa at namamahalang tauhan ng kaukulang organo ang mahalagang papel na ginagampanan ng Tsina sa proseso ng kooperasyong pangkabuhayan ng GMS.
Nakahanda anilang magkasamang magpunyagi, para pag-ibayuhin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon at inklusibo’t sustenableng pag-unlad ng GMS, at palalimin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng mga bansa sa rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Frank