28.9 milyong Sudanes, nangangailangan ng tulong

2024-11-14 14:32:06  CMG
Share with:

Sinabi, Nobyembre 13, 2024 ng Sudan Humanitarian Aid Commission (SHAC), ns dahil sa patuloy na armadong labanan, umabot na sa 28.9 milyong katao ang nangangailangan ng makataong tulong sa bansa hanggang noong Oktubre ng taong ito.

 

Anito pa, tinatayang nasa 16.3 milyon ang hindi pa nakakatanggap ng anumang tulong.

 

Matatandaang nagsimula, Abril 15, 2023, ang armadong labanan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces sa kabiserang Khartoum, at ang labanan ay kumalat sa iba pang mga rehiyon.

 

Makalipas ang isang taong digmaan, tinatayang 24,800 katao ang nasawi.


Salin: Yu Linrui

Pulido: Rhio/Lito