Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Global South Think Tanks Dialogue, itinatag Huwebes, Nobyembre 14, 2024, ang Global South Think Tanks Alliance sa lunsod Nanjing, dakong silangan ng Tsina.
Kabilang sa naturang alyansa ang mahigit 200 think tank mula sa Global South na binubuo ng mga bagong usbong na ekonomiya at umuunlad na bansa. Layon ng alyansa na palalimin ang kooperasyong Timog sa Timog at pasulungin ang pangangasiwa sa daigdig.
Sa ilalim ng temang "Global South: Pagkakapantay-pantay, Pagbubukas at Pagtutulungan," kalahok sa Global South Think Tanks Dialogue ang mahigit 400 tauhan na kinabibilangan ng mga opisyal, miyembro ng mga think tank, at iskolar mula sa mahigit 100 bagong sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa.
Salin: Jade
Pulido: Ram/Frank
Litrato: CMG