Ayon sa datos ng State Post Bureau (SPB) ng Tsina, ang taunang bolyum ng express delivery ng bansa mula Enero hanggang Nobyembre 17, 2024 ay umabot sa higit 150-billion-parcel.
Anang SPB, ito ang kauna-unahang paglampas ng nasabing bilang sa 150 bilyon.
Ipinakikita nito na, nananatiling malago at aktibo ang merkado ng padala sa Tsina, dagdag pa ng SPB.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Lito