Taunang ulat ng karapatang pantao ng Tsina, inilabas

2024-11-19 16:58:05  CMG
Share with:

Inilabas ngayong araw, Nobyembre 19, 2024 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) ang taunang ulat ng karapatang pantao ng Tsina para ilahad ang pinakahuling progreso noong 2023 sa pamamagitan ng mga datos at kaso.

 

Ito ang ika-14 na blue book ng karapatang pantao ng Tsina na inilabas ng CSHRS sapul noong 2011.

 

Sinasaklaw nito ang nilalaman ng nabanggit na ulat hinggil sa pagpapahigpit ng paggarantiya sa mga karapatan ng mga mamamayang Tsino sa kabuhayan, lipunan, kultura, at pulitika, at pagpapasulong ng pinagbabahaginan ng mga espesyal na grupo sa bunga ng pag-unlad ng karapatang pantao.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito