CMG Komentaryo: Tsina, nagpapasulong ng magkasamang pag-unlad ng daigdig

2024-11-20 11:51:45  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagtatatag ng isang daigdig na makatarungan at may komong pag-unlad, at pagbuo ng pandaigdigang sistema ng pangangasiwa na makatarungan at makatwiran, sa katatapos na Ika-19 na Summit ng G20 na idinaos sa Rio de Janerio, Brazil, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang walong aksyon ng Tsina para katigan ang pag-unlad ng buong daigdig.


Kasabay nito, komprehensibong inilahad ni Xi ang paninindigang Tsino hinggil sa pandaigdigang pamamahala sa mga larangang gaya ng ekonomiya, pinansiya, kalakalan, didyital at ekolohikal na kapaligiran.


Palagiang iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng pag-unlad ng daigdig na may pinagbabahaginan, may preperensiya sa lahat at sustenable.


Kaya sa nabanggit na G20 Summit, ang mga aksyon ng Tsina ay may kinalaman sa magkasamang pagtatatag ng de-kalidad na “Belt and Road,” pagpapalalim ng praktikal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan tulad ng pagbabawas ng kahirapan, seguridad sa pagkain, at didyital na ekonomiya, pagkatig sa pag-unlad ng Aprika, pagpapalawak ng unilateral na pagbubukas sa mga pinaka-di-maunlad na bansa.


Ito ay nagpapakita ng determinasyon at aktuwal na kilos ng Tsina para tulungan ang magkasamang pag-unlad ng iba’t ibang bansa.


Ang isyu ng kahirapan ay isang malubhang hamon para sa mga bansang Global South.


Sa pamamagitan ng pagsisikap noong mahabang panahon, napawi ng Tsina ang kahirapan ng halos 800 milyong mamamayang Tsino.


Ang tagumpay ng Tsina ay naging modelo at nagpasigla sa kompiyansa ng mga bansa ng Global South sa pagpawi ng kahirapan.


Ang G20 ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng pandaigdigang pag-unlad.


Bilang isang kasapi ng G20, ang mga karanasan, paninindigan at aksyon ng Tsina ay nagibgay din ng mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng magkasamang pag-unlad ng daigdig at pagpapabuti ng pangangasiwang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Frank