Sa ilalim ng temang "Embracing a People-centered and AI-for-good Digital Future -- Building a Community with a Shared Future in Cyberspace," binuksan Miyerkules, Nobyembre 20, 2024 sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina ang 2024 World Internet Conference (WIC) Wuzhen Summit.
Sa panahon ng summit, idaraos ang 24 na sub-porum sa mga paksang gaya ng Global Development Initiative, ekonomiyang didyital, at pangangasiwa sa teknolohiya ng artipisyal na intelehensiya (AI), at isang serye ng mga aktibidad.
Sa ilalim ng balangkas ng WIC, itatayo rin sa summit na ito ang isang espesyal na komite sa AI, ilulunsad ang isang proyekto ng kooperasyon ng think tank, at bubuuin ang isang pandaigdigang institusyon ng pagsasanay na didyital.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Frank