Sa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at Brazil Communication Company, ginanap, Nobyembre 20, 2024 sa Basilia, kabisera ng Brasil ang aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Brasil.
Sa kanyang liham na pambati, sinabi ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brasil na makabuluhan ang nasabing aktibidad, at ibayo pa nitong patitibayin ang kultural na tulay sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kanya namang hiwalay na talumpati, inihayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang kahandaan ng CMG na tuluy-tuloy na palalimin, kasama ng mga kaibigan sa iba’t-ibang sirkulo ng Brasil, ang pagpapalitang tao-sa-tao, pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong pagkakatuwang ng Tsina at Brasil sa makabagong antas, at bigyang-tulong ang pagpasok ng bilateral na relasyon sa susunod na “50 Ginintuang Taon.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Frank