Tsina, bukas sa diyalogo at kooperasyon sa Amerika para pasulungin ang matatag na relasyong pangkabuhayan

2024-11-22 16:48:25  CMG
Share with:

 

Ipinahayag ngayong araw, Nobyembre 22, 2024 ni Wang Shouwen, Kinatawan ng Tsina sa Pandaigdigang Kalakalan at Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na makipagdiyalogo sa Amerika upang mapalawak ang kooperasyon, hawakan ang mga pagkakaiba, at pasulungin ang matatag at sustenableng pag-unlad ng bilateral na relasyon sa ekonmiya at kalakalan ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Wang na ibabatay ito sa paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.

 

Patuloy at matatag na pangangalagaan ng Tsina ang pambansang soberanya, seguridad, at interes sa pag-unlad, dagdag ni Wang.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito