Binuksan Martes, Nobyembre 26, 2024 sa Beijing ang Ika-2 China International Supply Chain Expo (CISCE).
Ipinagkakaloob ng nasabing ekspo ang isang komprehensibong plataporma para sa pag-uugnayang pang-negosyo’t pagkakataon sa pamumuhunan, at pagpapasulong sa kooperasyon ng iba’t ibang industriya.
Sa ilalim ng temang “Connecting the World for a Shared Future,” ipinagdiinan ng ekspo sa taong ito ang konektibidad ng kadena ng suplay, sa pamamagitan ng booth layout at mga sonang pagtatanghal.
Nagtitipun-tipon sa kasalukuyang CISCE ang mahigit 620 kompanya at institusyon, para pasulungin ang inobasyon, kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng ekosistema ng pandaigdigang kadena ng suplay.
Mahigit 60% ng mga eksibitor ay mga Fortune 500 company at pinuno sa industriya.
Tatagal hanggang Nobyembre 30 ang 2024 CISCE.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Lito