Ginanap, Nobyembre 25, 2024 sa Beijing ang Diyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Central and Eastern European Countries (CEEC), na may temang “Modernisasyong Tsino at Makabagong Pagkakataon para sa Relasyon ng Tsina at CEEC: Ambag ng mga Partidong Pulitikal.”
Kasali rito ang halos 50 kinatawan ng 19 na partidong pulitikal mula sa 12 bansa ng CEEC.
Inihayag ni Liu Jianchao, Puno ng International Department ng Komite Sentral ng CPC, ang kahandaan ng CPC na palalimin, kasama ng mga partidong pulitikal ng CEEC ang pag-uugnayan sa estratehiya at ideya, galugarin ang nakatagong lakas ng kaukulang plataporma ng kooperasyon, at pasulungin ang kalidad at bisa ng kooperasyon ng Tsina at CEEC, upang gawin ang mas malaking ambag sa pandaigdigang usapin ng kapayapaan at kaunlaran.
Inihayag naman ng mga banyagang paunahin na ang landas ng pag-unlad ng Tsina ay nagkaloob ng isa pang pagpili para sa daigdig.
Nakahanda anilang palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagdiyalogo sa CPC, pahigpitin ang pag-uunawaan, at pasulungin ang pag-unlad ng relasyong Europeo-Sino.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Lito