Antas ng pandaigdigang pangangasiwa sa dagat, pasulungin – ministrong panlabas ng Tsina

2024-11-27 15:23:40  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati sa ika-5 Symposium on Global Maritime Cooperation and Ocean Governance na binuksan Nobyembre 26, 2024, sa Sanya, lunsod sa katimugan ng Tsina, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa, na kasama ng iba’t-ibang panig, patataasin ng Tsina ang antas ng pandaigdigang pangangasiwa sa dagat para magdulot ng kapakanan sa buong sangkatauhan.

 

Kaugnay nito, iniharap ni Wang ang tatlong mungkahing kinabibilangan ng pagpapasulong ng de-kalidad at sustenableng pag-unlad ng dagat, pangangalaga sa malawak at pangmatagalang seguridad na pandagat, at pagpapasulong ng pagpapalitang pandaigdig hinggil sa sibilisasyong pandagat.

 

Ang nasabing simposyum ay magkasamang itinaguyod ng Huayang Center for Maritime Cooperation and Ocean Governance, National Institute for South China Sea Studies, at China Oceanic Development Foundation.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank