Kaugnay ng pagkakalakip kamakailan ng panig Amerikano sa 29 na kompanyang Tsino sa umano’y "Uyghur Forced Labor Prevention Act," inihayag, Nobyembre 26, 2024 ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang mariing kondemnasyon at matatag na pagtutol ng panig Tsino.
Aniya, walang batayan ang kilos ng Amerika, pambubuska sa katuwiran ng “karapatang pantao,” at klasikal na koersyong ekonomiko.
Iniharap na aniya ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.
Samantala, isasagawa aniya ng Tsina ang kinakailangang hakbangin, upang matatag na ipagtanggol ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kompanyang Tsino.
Tinututulan ng Tsina ang sapilitang pagpapatrabaho, at hindi nangyayari ang umano’y “sapilitang pagpapatrabaho” sa Xinjiang, dagdag niya.
Hinihimok niya ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang itigil ang manipulasyong pulitikal at paninirang-puri, at ihinto ang walang batayang paninikil sa mga kompanyang Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Rhio / Frank