Tsina sa Amerika: pangalagaan ang kooperasyon laban sa bawal na gamot

2024-11-27 11:37:03  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita ng panig Amerikano sa isyu ng bawal na gamot, inihayag, Nobyembre 26, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay isa sa mga bansang pinakamahigpit pagdating sa mga ipinagbabawal na gamot, kapuwa sa pagtatakda at pagpapatupad ng polisya.

 

Aniya, ang isyu ng fentanyl ay problema ng Amerika, at batay sa humanitaryang diwa, ipinagkaloob ng Tsina ang suporta sa Amerika sa isyung ito.

 

Noong 2019, inanunsyo aniya ng Tsina ang opisyal na pagtatala ng lahat ng fentanyl-related substances.

 

Ito ang kauna-unahang bansa sa daigdig na gumawa ng ganito, aniya pa.

 

Dagdag dito, isinagawa rin aniya ng Tsina ang malawakan at malalimang kooperasyon sa Amerika laban sa ipinagbabawal na gamot, at kapansin-pansin ang natamong bunga sa usaping ito.

 

Anang tagapagsalita, batay sa pagkakapantay, mutuwal na kapakinabangan, at paggagalangan, ipagpapatuloy ng Tsina ang kooperasyon sa Amerika laban sa ipinagbabawal na gamot.

 

Hinimok din niya ang panig Amerikano na pahalagahan ang kabaitan ng panig Tsino, at pangalagaan ang kooperasyon ng kapuwa panig laban sa ipinagbabawal na gamot.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio / Frank