|
||||||||
|
||
Jeffrey Datinginoo Guangzhou
|
Sa aklat na Chinese Dream, Guangzhou Dream may dalawang Pilipino ang napasama. Isa rito si Alexis Reyes na nauna nang ipinakilala sa Mga Pinoy sa Tsina. At si Jeffrey Datinginoo isang award winning na architect.
Pero tila hit and miss ang kinalabasan ng unang sabak ni Jeff bilang expat. 2003 dumating si Jeff sa Guangzhou pero di sya swak sa trabahong pinasok nya. Kaya ilang buwan lang nasibak sya sa trabaho at bumalik sya sa Pilpinas.
Sa loob ng tatlong taon at pagkatapos lumipat-lipat sa tatlong kumpanya, nahanap na ng arkitekto ang kumpanyang tugma sa wavelength at working style nya.
Sa News Days pinakawalan ni Jeff at ibinuhos ang creative juices nito. Pinagkatiwalaan siyang hawakan ang malalaking proyekto tulad ng pagdidisenyo ng isa sa pinaka sikat at engrandeng hotel sa Guangzhou.
Bahagi sya sa pagtatayo ng Chime Long Hotel na kinikilala bilang isa sa top-rated resorts sa Tsina.
Mabilis na nagbabago ang Guangzhou at sa pananaw ni Arch. Datinginoo dapat maayos itong planuhin at bigyang halaga ang ilang aspeto ng lungsod na may kinalaman sa kasaysayan. And arkitektura ani Jeff ay dapat ituon sa galaw ng mga tao maging sa magiging takbo ng pamumuhay nila sa hinaharap. Ito'y di lang limitado sa ganda at yari ng mga gusali.
Sa loob ng sampung taon naranasan ni Jeffrey Datinginoo ang ups and downs sa kanyang career. At sa hinaharap nais niyang magtayo ng gusali na kikilalanin bilang landmark sa Guangzhou.
Bilang payo sa mga arkitekto ng nais sumubok sa Tsina dapat handa silang bitawan ang mga nakagawiang paraan ng pagdidisenyo sa Pilipinas. Dapat bukas ang isipan at tunay na subukang kilalanin ang kultura at maging ang mga gusto ng kliyenteng Tsino.
Ang buong interbyu kay Alexis Reyes ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |