|
||||||||
|
||
FilKam Pinoy Photographers sa Guangzhou
|
2010 naitatag ang FilKam, grupo ng mga Pinoy photographers sa Guangzhou.
Sa kasalukuyan ito ay halos tatlumpung aktibong miyembro. Iba iba ang dahilan nila sa pagsali sa grupo, may mga hobbyists, may tunay na propesyunal at ang iba naman ay nais itong maging daan para mas gumaling at mas maging matinik sa pagpitik ng mga mga litrato.
Si Sherilyn Ocampo-Palisoc
Si Nelsie Geografo
Si Nino Kanapi
Sa panayam ng Serbisyo Filipino ibinahagi ng mga miyembro ng FilKam na sina Sherilyn Ocampo-Palisoc, Nelsie Geografo at Nino Kanapi ang ilang mga lugar sa Guangzhou na madalas pasyalan ng mga mahilig kumuha ng litrato.
Mula 2010 halos maikot na ng grupo ang Guangdong. Marami ng mga lugar ang pinuntahan ng grupo para sa kanilang mga photowalks. Kabilang dito ang Shamian Island, Old Canton district ng Haizhu, Baiyun Mountain, Distrito ng Panyu at mga lumang templo.
Ito ang unang coffee portrait ni Nelsie Geografo at tinawag niya itong Bob
Surviving the Street,coffee painting ni Nelsie Geografo na itinanghal sa isang exhibit sa Guangzhou Oriental Museum
Trepidation ni Nelsie Geografo
Balak ng grupo na pumunta sa mga lugar sa labas ng Guangzhou para mas maging challenging sa kanila ang pagkuha ng larawan. Tulad ng Suzhou na kilala sa kakaibang hair embroidery dito. Halleluia Mountain sa Changsha. At sa labas ng Tsina pangarap naman ng isang miyembro ang makarating sa India.
Sina Sherilyn Ocampo-Palisoc, Nelsie Geografo at Nino Kanapi, kasama ng mamamahayag ng Serbisyo Filipino na si Machelle Ramos
Ang buong interbyu sa FILKAM ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |