|
||||||||
|
||
Nagpalabas kahapon ng pahayag si Punong Ministro Tony Abbott ng Australia na idadagdag ng kanyang bansa ang dalawa pang eroplano para magsagawa ng paghahanap at pagliligtas sa Southern Indian Ocean sa nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines.
Ayon sa pahayag, ginawa ang nasabing kapasiyahan ni PM Abbott makaraang tanggapin niya ang kahilingan mula sa kanyang counterpart na Malay na si Najib Razak.
Simula ika-9 ng buwang ito, pangalawang araw ng pagkawala ng eroplano, nagpadala na ang Australia ng dalawang eroplano para makilahok sa paghahanap at pagliligtas.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |