Sa pamamagitan ng Pasuguan ng Tsina sa Malaysia, ipinahayag kahapon ng mga kamag-anak ng ilang pasaherong Tsino na sakay ng nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines na inaalagaan sila nang mabuti ng panig Malay at Pasuguang Tsino.
Idinagdag nilang simula nang dumating sila ng Kuala Lumpur, natanggap na nila ang pag-alaga ng mga tauhan mula sa Pasuguang Tsino, magkasanib na work group ng Tsina, Malaysia Airlines at samahang di-pampamahalaan. Pinabulaanan nila ang pananalita na di-umano'y ibinukod at minonitor sila ng panig Malay.
Kasabay nila, muling nagpulong kahapon sa KL ang magkasanib na work group ng Tsina at panig Malay. Hiniling ng panig Tsino sa Malaysia na palawakin ang saklaw ng paghahanap at pagliligtas ng nawawalang eroplano. Ipinahayag naman ng panig Malay na buong-sikap pa rin silang magpapatuloy sa paghahanap.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng umaga noong ika-8 ng buwang ito (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan di-umano ito ng kontak sa air traffic control.
Isandaa't limampu't apat (154) sa 239 na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade