|
||||||||
|
||
20150313kapeattsaa.m4a
|
Ang "Xuan Wu Men" ay matatagpuan sa dakong timog ng sinaunang lunsod ng Beijing, at ito ay nasa Xicheng district. Itinayo ang Xuanwumen Gate noong Dinastiyang Ming at tinawag ito noon na "Chun Cheng Men. Mula noong 1440 AD, tinawag itong "Xuan Wu Men." Ang pangalan ng "Xuan Wu Men" sa Wikang Tsino ay nangangahulugang "pagpapakalas ng sandatahang-lakas ng bansa." Noong panahong iyon, may isang training ground ang mga sundalo sa paligid ng Xuan Wu Men. Ngayon, ang ibig-sabihin ng "Xuan Wu Men" ay purok sa paligid ng Xuan Wu Men station ng Subway line 2 ng Beijing.
Madalas akong magsimba sa South Cathedral na nasa Xuan Wu Men. Pagdating ng istasyon ng Xuanwumen, lalabas ako sa exit B, patungong hilaga, at makakarating na ako sa simbahan. Ang South Cathedral ay ang pinakasinaunang Catholic cathedral sa Beijing.
Sa loob ng compound, makikita ang maliit na scripture hall na ipinagawa ni Padre Matteo Ricci noong 1605 (Wanli 33rd Year of Ming Dynasty). Ito ay muling ipinagawa ng German Jesuit priest na si J.A. Schall von Bell noong 1650. Ang gusaling ito ang pinaka-unang estruktura sa downtown Beijing. Si Matteo Ricci, ay isang Italyanong Paring Hesuita at isa sa mga tagapagtatag ng Jesuit mission sa Tsina. Sa loob ng Iglesia Katolika Romana, siya ay ikinokonsidera bilang isang Tagapaglingkod ng Panginoon. Noong 1601, inalok si Ricci ng emperador ng Tsina para maging tagapayo. Siya ang unang taga-kanluran na nabigyan ng ganitong uri ng imbitasyon. Ito ay bilang pagkilala sa mga kontribusyon ni Ricci sa siyensiya. Halimabawa, ang kanyang mga prediksyon ng eklipse ng araw, na lubhang napaka-importanteng kaganapan sa mundo ng Tsina. Itinayo rin niya ang Cathedral of the Immaculate Conception ng Beijing, pinakamatandang Simbahang Katoliko sa siyudad. Si Ricci ay nakakapaglabas-pasok sa Forbidden City, pero, hindi niya personal na nakita ang Emperador.
Kapag ikaw ay lumabas sa exit A ng Xuanwumen Subway Station, patungong kanluran, makikita ang punong himpilan ng Xinhua News Agency. Ang Xinhua News Agency ang opisyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina. Xinhua is a ministry-level department subordinate to the Chinese central government. Its president is a member of the Central Committee of the Communist Party of China.
Xinhua operates more than 170 foreign bureaus worldwide, and maintains 31 bureaus in China—one for each province, plus a military bureau. Xinhua is the sole channel for the distribution of important news related to the Communist Party and Chinese central government.
Xinhua is regarded as the most influential media outlet in China, as almost every newspaper in China relies on Xinhua feeds for content. People's Daily, for example, uses Xinhua material for approximately 25 percent of its stories. Xinhua is a publisher as well as a news agency—it owns more than 20 newspapers and a dozen magazines, and it prints in eight languages: Chinese, English, Spanish, French, Russian, Portuguese, Arabic and Japanese.
Kung lalabas ka sa Exit C ng istasyon ng Xuan Wu Men, makikita mo ang isang shopping mall——Sogo, ito ay may isa pang pangalan sa Wikang Tsino—— "Zhuang Sheng Chong Guang." Ang kapaligiran sa loob ng sogo ay nagtamo ng isang award "Pinakamagandang Visual Award" mula sa "Jinghua Times," isang lokal na pahayagan. Bakit, ibinigay sa Sogo ang award na ito? Kasi, ang Sogo Department Store ay parang "plant factory." Dito, malalasap ng mga customer forest oxygen, at natural na ihip ng hangin.
Narito ang isa pang kawili-wiling lugar sa paligid ng Xuan Wu Men. Kapag lumabas ka ng Exit E, makikita ang Fanxing Theater Village. Ito ang kauna-unahang cluster ng theater sa Tsina. Ang Fanxing Theater Village ay binubuo ng 5 maliit na theater. Ipinapalabas dito ang mga drama sa maliit na stage. Ang pangalang fanxing ay mula sa founder nito: ang kanyang pangalan ay "Fanxing." Pero, ang lahat ng village ay hindi talaga maliit. Sa lahat ng limang theater, dalawa ang may 200 upuan, isa sa mga ito ay may 150 upuan at dalawa ay may 80 upuan. Maaring umupo rito ang mahigit libong manonood. Ang Fanxing Theater Village ay naging isang base ng kultura at sining ng Beijing. Hindi lamang ipinapalabas ang mga drama, kundi lumilikha rin ng sariling mga drama. At mayroon din ditong art gallery, restawran, kapehan, tea house, aklatan at iba pa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |