Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe sa subway——Dongdan ng Beijing

(GMT+08:00) 2015-04-24 13:01:11       CRI

Ngayong gabi, muli tayong sasakay sa Beijing Subway at tutungo sa Dongdan Station. Ito ay isang transfer station ng Line 1 at Line 5. Kaya, maaaring makarating sa Dongdan sa pamamagitan ng kapuwa Line 1 at Line 5.

Ang paligid ng "Dongdan" ay shopping centre. Ang pinakakilalang commercial walk street—Wang Fu Jing ay nasa silangan ng istasyon ng Dongdan. Bukod dito, iba't ibang shopping mall ang matatagpuan dito, halimbawa, ang Oriental Plaza o "Dong Fang Xin Tian Di," Beijing APM, at iba pa.

Ang pangalang Dongdan ay hango sa isang decorated archway na itinayo noong Dinastiyang Ming. Pero, ang Dongdan ay hindi talaga ang pangalan ng decorated archway. Sa Wikang Tsino, ang "Dong" ay "silangan," at ang "Dan"ay "single."Kaya, ang salitang Dongdan ay nangangahulugang isang single decorated archway sa silangan ng Beijing.

Sinaunang decorated archway sa Dongdan

Mula sinaunang panahon, ang "Dongdan" ay komersiyal na rehiyon, marami ang mga tindahang itinayo rito. Sa ngayon, ang lugar na ito ang isa sa mga pinakamasaganaang rehiyon ng Beijing. Marami ang mga shopping mall, gaya ng Oriental Plaza at 5 star hotels na gaya ng Grand Hyatt Hotel, Peninsula Hotel at iba pa. Bukod dito, kilala rin ang Dongdan dahil sa isang ospital——Xiehe Hospital; ang pinakamahusay na ospital sa Tsina.

Ang buong pangalan ng "Xiehe Hospital" ay Peking Union Medical College Hospital (PUMCH). Ito ay hindi lamang hospital, kundi isang medical college rin. Ang PUMCH ay itinatag ng Rockefeller Foundation noong 1920's. Ang foundation ay itinayo ni John D. Rockefeller: siya ay kilala bilang oil baron at pinakamayamang tao sa Amerika noong panahon iyan. Hanggang ngayon, ang Rockefeller Foundation ay isa pa rin sa pinakanaunang private foundation ng Amerika at isa sa mga may pinakamalaking impluwensiya sa daigdig. Kahit charity ang dahilan kung bakit itinayo ang PUMCH, nais ng tagapagtayo na ito'y maging "best medical center sa Asya at sa buong mundo." Noong panahon iyan, ang pondo na inilaan sa PUMCH ay umabot sa 10 miliyon dolyares. Kumpara sa John Hopkins University, isa pang medical college sa Amerika, ang Rockefeller Foundation ay naglaan lamang 7 milyong dolyares para rito. Noong simula, dalawa ang pinagpilian ng Rockefeller Foundation: ang una ay pagtatatag ng maraming medical center sa iba't ibang lugar ng Tsina para tulungan at bigyang-lunas ang maraming mahihina at mahihirap na Tsino. Ang pangalawa ay itatatag ang pinakamahusay na medical institute sa buong mundo upang humubog ng mga magaling doktor, upang maging modelo ng pag-unlad ng medical science ng Tsina. Sa huli, pinili ng Rockefeller Foundation ang ikalawa. Nitong halos 100 taong nakalipas, ang PUMCH o Xiehe ay talagang naging isang modelo. Sa pamamagitan ng PUMCH nagkaroon ng maraming medical pioneer ang nakabagong Tsina , na gaya nina Dr. ZHANG Xiaoqian at Dr. LIN Qiaozhi. Dagdag pa riyan, napakarami ring mga administrative personnel na mula sa PUMCH ang ngayon ay naglilingkod sa maraming ospital sa apat na sulok ng Tsina. Mayroon ding mahigit 10 kilala at espesyalistang ospital ang nagmula sa PUMCH.

Dr. ZHANG Xiaoqian

Dr. LIN Qiaozhi (babae)

Sa Xiehe, ang mga doktor ay nagsasalita ng mahusay na Ingles, dahil may tradisyon ang PUMCH na pagtuturo sa pamamagitan ng wikang Ingles at paggamit ng mga English textbook. Ito ay unusual sa Tsina. Ang mga doktor sa Xiehe ay ang crème de la crème sa China. Sa madaling salita, the best of the best.

Kung lalabas ka sa Exit A ng istasyon ng Dongdan patungong hilaga, makikita ang isang sinaunang gusali na may katangiang Tsino, ito ang Xiehe Hospital o PUMCH. Bago ito itatag ang PUMCH, ang gusaling ito ay bahay ng isang prince ng Dinastiyang Qing.

Sa paglabas mula sa Exit A ng istasyon ng Dongdan patungong hilaga, makikita sa silangang panig ng Oriental Plaza. Malapit naman sa Xiehe Hospital o PUMCH, matatagpuan ang isang little theatre na binansagang "Oriental Pioneer Theatre" o "Dong Fang Xian Feng Ju Chang."

Ang Oriental Pioneer Theatre ay nasa ilalim ng pamamahala ng National Theatre Company of China (NTCC). Ito ay maliit na theatre na may kapasidad lamang na 320 katao. Dito ipinalalabas ang mga pinakamakabagong stage drama. Ito ang dahilan kung bakit tinawag itong "Pioneer"

Malapit lamang sa isat-isa ang mga istasyon ng Dongdan at Wangfujing. Ang Dongdan ay nasa silangang panig ng Oriental Plaza at ang Wangfujing ay nasa kanlurang bahagi naman. Ang Oriental Plaza ay isang malaking mall: ito ay ipinatayo ni Victor Li Ka – Shing, ang pinakamayamang tao sa Hong Kong. Mga luxury shop ang makikita rito.

Sa Basement 3 ng Oriental Plaza, makikita rin ang isang museo. Ito ay unusual. Bakit? Noong 1996, nang hukayin ang pundasyon ng gusali, natuklasan ang mga buto ng hayop at man-made stone tools. Ayon sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang mga ito ay mula sa mga pre-historic na tao. Nag-umpisang tirhan ng mga tao ang lugar na ito 24 na libong hanggang 25 libong taon na ang nakalipas. Upang mapanatili ang mga historical relic, ipinasiya ni Victor Li Ka – Shing na itatag ang isang museo sa loob ng kanyang shopping mall. Ang museo ay tinawag na "Beijing Wangfujing Ancient Human Cultural Relics Museum."

Kung lalabas naman mula sa Exit B ng istasyon ng Dongdan, makikita ang isang park: ang Dongdan Park. Maganda ang park, at ito ang paboritong hang-out ng mga residente mula sa mga nakapaligid na lugar. Dahil diyan, kung gusto ninyong makita ang mga tradisyonal na larong Tsino, magandang puntahan ang Dongdan Park.

Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng SPT

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>