Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jocelyn Barredo: Management tips at Work Efficiency sa Garments Industry

(GMT+08:00) 2015-04-08 15:40:30       CRI

 

 



 
Si Jocelyn Barredo ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Tsina at ang kanyang field of expertise ay garments. Kasalukuyan siya ay Assistant Merchandising Manager sa isang malaking garments factory sa Beilun District, Ningbo City na makikita sa lalawigang Zhejiang. Pinakamalaking kliyente nila ang Puma Lifestyle.

Sa panayam naikwento niya ang kanyang mga karanasan sa sektor na ito. Naikumpara niya ang buhay sa Shanghai at ang kasalukuyang kalagayan sa Beilun. Kung noon sa Shanghai 8:00am to 12midnight ang karaniwang inilalagi niya sa opisina, ngayon striktong 8:00am to 5pm ang kanyang work hours. Polisiya kasi ng opisina na dapat tapusin ang lahat sa takdang oras, walang overtime nang sa gayon ay may sigla ang mga empleyado kinabukasan.

Naikwento rin ni Jo Barredo ang mga magagandang management practices na kanyang hinangaan sa factory na pinapasukan niya tulad ng pagbibigay ng magandang benepisyo para sa mga lokal na manggagawa nito. Kabilang ang libreng tirahan, pagkain at transportasyon sa panahon ng national holidays.

Sa interbyu ating nalaman ang bentahe ng tatak na "Made in China" at kung bakit maraming mga global brands ang nagtitiwala sa factories ng Tsina. At syempre hindi mawawala ang ilang words of wisdom mula kay Jo para sa mga tagapakining na OFWs na hangad ay magtagumpay rin sa kani-kanilang mga trabaho.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Sa inyong computer, hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Sa smartphones pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

Si Jocelyn Barredo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>