Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Pasyal sa Subway ng Beijing]——Nanluoguxiang

(GMT+08:00) 2015-08-14 11:53:27       CRI


Sa episode ngayon gabi, muli tayong sasakay sa subway ng Beijing, at dadaan sa line 6. Ang ating destinasyon ay ang kilalang-kilalang lugar na Nanluoguxiang. Kung lalabas sa istasyon na ito, makikita mo agad ang isang well-protected na purok na may maraming sinaunang arkitekturang Tsino.

Ang "Nanluoguxiang" ay pangalan ng isang "hutong" na matatagpuan sa Dongcheng district ng Beijing. Pero sa kabuuan, ang salitang "Nanluoguxiang" ay nangangahulugang purok na kinabibilangan ng Nanluoguxiang hutong at ilan pang vertical na hutong na gaya ng Mao'er Hutong, Dongmianhua Hutong, Ju'er Hutong at iba pa.

Ang Nanluoguxiang ay kilala bilang kahanga-hangang "night life" district. Sa gabi, maraming kabataan ang nagpupunta sa mga bar sa paligid ng Nanluoguxiang.

Hindi katulad ng isa pang kilalang night life area na "Sanlitun," ang mga bar sa Nanluoguxiang ay matatagpuan sa loob ng "Siheyuan," isang uri ng tradisyonal na estruktura ng sinaunang Beijing.

Ang "Sanlitun" ay may makabagong estilo at ang "Nanluoguxiang" ay mas tahimik at tradisyonal. Pero, sa ngayon, patuloy na sumisikat ang lugar na ito, kaya naman nagiging crowded na rin. Bukod pa riyan, napakarami rin ang mga turistang pumapasyal dito.

Sa kasalukuyan, ang Nanluoguxiang ay isa nang bagong landmark ng Beijing. Pinapurihan ito ng "TIMES" na isa sa 25 dapat-pasyalang lugar sa Asya.

Dahil masigla ang Nanluoguxiang, bukod sa mga bar, parami nang parami ang mga tindahan na umaakit ng mga turista. Pero, ang mga tindahan ay mabilis na nagbabago.

Mga tindahan sa loob ng matandang bahay

Sa kasalukuyan, nagbubukas at nagsasara ang mga tindahan sa lugar na ito, halos bawat linggo. Maliit ang mga tindahan, at ang mga ito ay nagbebenta ng mga meryenda, drinks, ice cream at iba pa. Ilan sa mga tradisyonal na snack ng Beijing ay fried chicken, chips, fried octopus, at iba pa.

Mga souvenir sa tindahan ng Nanluoguxiang 

Ang renta ng mga bahay sa Nanluoguxiang ay sobrang mahal. Kaya, ang pagpapatakbo ng mga tindahan ay hindi madali. Upang manatili ang isang negosyo rito, dapat isagawa ang magandang marketing strategy para umakit ng mga turista.

Sa mga ito, nananatiling popular ang isang tindahang nagbebenta ng "Beijing cheese." Ito ay may pangalang "Wenyu Nailao Dian," ang "nailao" sa wikang Tsino ay nangangahulugang cheese, pero ang "nailao" na nabibili rito ay hindi talagang cheese, kundi isang uri ng tradisyonal na snack ng Beijing na gawa sa gatas: parang milk pudding.

"Nailao", o Beijing Cheese

Masarap ang "nailao." Pero, may isa pang mahalagang dahilan kung bakit ito tinatangkilik: ano iyon ka n'yo? Dahil sa magandang marketing strategy na tinatawag na "hungry marketing."

Itinitinda lamang ang "nailao" sa umaga hanggang tanghali, at ang kabuuang supply nito ay limitado. Kaya, laging mahaba ang pila ng mga bumibili nito.

Para naman sa mga turistang unang beses makakita ng mahabang pila para lamang makabili ng isang uri ng meryenda, iisipin nilang ito ay talagang masarap, kaya, makikipila at makikibili na rin sila.

Mababakas ang kasaysayan ng Nanluoguxiang sa mahigit 700 taong nakaraan. Noong panahon iyan, ang Beijing ay tinatawag na "Dadu" at ito ay kapital ng Yuan Dynasty.

Mula noon hanggang Dinastiyang Qing, pinakahuling Dinastiya ng Tsina, tumira dito ang mga nobility at celebrity.

Sa kasalukuyan, maraming sinaunang bahay sa paligid ay naging lugar na panturista. Halimbawa, ang mantandang bahay kung saan tumira ang pamilya ng Queen "Wanrong," ang asawa ng pinakahuling Emperor ng Tsina, "Puyi." Ito ay matatagpuan sa Mao'er Hutong, isang vertical hutong na malapit sa gitna ng Nanluoguxiang Hutong.

Mantandang bahay ni Queen "Wanrong"

Pero, hanggang ngayon, isang bahagi na lamang ng original house ang naiwan, ang iba pang bahagi ay naging residential houses.

Ang Nanluoguxiang ay mula timog hanggang hilaga. At ang istasyon ay malapit sa timog na pasukan ng Nanluoguxiang.

Sa gawing medial axis ng Nanluoguxiang, may walong hutong sa silangan at walo sa kanluran. Sa ika-3 vertical hutong sa silangan, nakatago ang isang kilalang kolehiyo, ito'y "The Central Academy Of Drama," kataas-taasang institute ng drama ng Tsina. Maraming pinaka-out-standing actors, actress, at director ng Tsina ang nag-aral dito. Halimbawa, Gong Li, Zhang Ziyi, Jiang Wen at iba pa.

Central Academy of Drama

Makikita rin ang isang maliit na theatre sa paligid ng "Central Academy of Drama," ito'y ang "Penghao Theatre." Idinaraos dito ang "Nanluoguxiang Drama Festival" bawat tag-init, mula Mayo hanggang Hulyo.

Sa taong ito, ang drama festival ay isang international event, dahil may 13 theatre group mula sa ibayong dagat ang inanyayahan na mag-perform, at ilan sa mga ito ay nagtamo na ng international award. Hindi rin ganoon kamahal ang ticket, sa karaniwan, ito ay 90 yuan RMB.

Penghao Theatre

Link:Isang maikling programa tungkol sa Nan Luo Gu Xiang(Video)

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>